Written By Anonymous on Saturday, February 25, 2012 | 2:01:00 PM
"Anu ba talagang alam mo noong panahon ng Martial Law?" Gusto ko sana isampal ang mga salitang ito sa isang babae na katabe ko sa isang coffee shop kausap ang mga kaibigan nya. Pero syempre di ko pwedeng gawin yun. Nasa malayang bansa tayo na ang lahat ay maaring magbigay ng sariling opinyon. Di ko alam kung anu ba talaga ang pinguuspan nila pero ito ng bumasag sa tenga ko.
Oo nga at ang iilan ay nakaranas ng kaunting ginhawa, ng kaunting pera at luho. Pero sana malaman natin na sa likod ng mga ito ay mga sakrapisyong ginawa ng karamihan, kalayaan na pinagkait ng mahabang panahon, at kung sinubukan nilang lumaban, masama buhay pa nila ang kapalit.
Wag tayong magsabe ng mga bagay na hindi naman talaga natin nalalaman. Ang problema nasa sistema na tayu na kung saan ang karamihang may boses ay yung mga mangmang, ang nagkakaroon ng pagkakataon magsalita ay yung mga bobo, at yung may mga kapangyarihan eh yung wala naman talagang alam.
Di lang sila tatlong porsyento ng populasyon ng pilipinas, sila lang ang may bayag para tumayo doon at ipaglaban ang paniniwala nila na may pagasa pa, bawat isa sa kanila ay representante ng libo libong pilipinong nakakadena sa takot at biktima ng kawalan hustisya. Kinakatawan nila ang mga taong nilibing ng mga hirap at pagdudusa, kinatawan nila ang mga taong pagod ng makatikim ng sipa, padyak at saksak, kinatawan nila ang mga kababayan natin bigla na lang nawala nang subukan ibuka ang mga bibig nila, Kung alam mo lang ng sitwasyon nuon, di ganun kadali makaipon ng sinasabe mong tatlong porsyento ng populasyon ng pilipinas para tumayo sa edsa. Tandaan mo sana na sila ang dahilan kung bakit mo nabubuka ang bibig mo at naipuputak mo lahat mga gusto mong sabihin ng walang kinakatakutan na pwedeng merun dumukot sayo.
Kulang ang mga larawan para ipamuka sa isang tao ang pangyayare nuon, lalu na pag hindi iyon ang kanyang paniniwala. Pero kung Ikaw ang nandoon sa sitwasyon na yon, isusuka mo ang mga salitang sinabe mo at ipagdadasal na sana di na ulit mangyare ang bangungut na yon.
Ikaw, anung alam mo noong Panahon ng Martial Law?
Marcos was the best president, mas ok tayu nung martial law nu, we had a modern film center, we had modern hospitals,and god, the peso-dollar exhange rate was so small.......as far as i know, sabi nila, sabi nila ah, less than three percent lng daw ng population ng philippines ang nasa edsa nung people power...Pero subukan kaya nyang sabihin ito sa harapan ng mga taong biktima ng Marcos Era. Sabihin nya kaya to sa mga taong natabunan ng buhay sa pinagmamalaki nyang Modern Film center. Sabihin nya kaya to sa mga kapatid, anak at magulang ng mga taong pinatay ng subukan ipaglaban ang karapatan nilang mabuhay ng malaya. Ang lakas naman nyang magsalita sa mga bagay na hindi nga nya nalalaman.