Written By Anonymous on Sunday, January 29, 2012 | 12:00:00 PM
Napakasarap talagang maging blogger! Pero mas masarap kung marameng reader! Itong post ko ay tungkol sa sikreto kung paano maging isang magaling na blogger! (Na wala akong idea kung paano nga at kung merun nga nun). Panibagong kalokohan naisip ng isang taong di alam ang kanyang ginagawa. Nagpapansin lang at sana mapansin niyo! At kung anu ang mabasa niyo ngayon, kalimutan nyu na bukas.


  •    Alamin mu ang gusto mo at Kung may gusto ba ng gusto mo – Masaya at nakakagana magsulat ng bagay na hilig mo. Mahirap lang eh kung ikaw lang ang may interest dito. Isa sa pinakamasakit bilang isang blogger ( para sakin) eh malaman na ikaw lng ang reader ng sariling blog mo. Pero bihira naman mangyare siguro yun, dahil kahit papano may maliligaw at mapapadpad din dyan, at minsan madalas pang scenario eh yung mga bagay na bihira lng mapansin, gawin, mangyare o makita eh  yun pa ang madalas na ginagawa, nagyayare, napapansin at nakikita ng karamihan.

  •      BE CREATIVE! – maging masining sa pagsulat , wag mu akong tularan! Magulo at nakakalito! Minsan okey din ung maiksi pero malaman at nakakabusog kesa naman sa ubod ng haba eh wala namang kwenta, masabi lang mahaba kahit galing sa pwet ang pinagkuhanan ipinapublish na, Tulad nito. Ok din ung mahaba, hindi nakakabitin pero dapat hindi nakakatamad dapat kung alam mu ng may parte sa sinulat mo na medyo tatamarin ang reader mo sundan mo agad ng parte na magbibigay ng pakiramdam na maging Masaya sya, un katulad ng pakiramdam ng ( hndi ko na kayang sabihin pa ).


  •   Sino ba ang Target? – sino ba ang gusto mong maging reader? Know your target, tulad ko nagsulat ako sa tagalong dahil syempre Pilipino ang target readers ko sa post na to, kahit mas sanay ako mag ingles (Ulol!). pero mas ok kung ang 1st language ng blog mo ay English, more readers! Saka ka na lng maghalo ng post na tagalog, kung sa tingin mu ay may ok to sa tagalog. Tulad ng mga post na may galit at inis. Mas masarap kaseng basahin ang post na may mura na tagalog kesa sa ingles, para sa akin. .( sa tingin ko di kita natulungan sa part na to, ang labo ko! )

  •    Maging  at wag maging Unique ! – mas unique ung post, mas ok! Gumawa ka ng teritoryo mo. Sumakop ka ng topic na sa blog mo lang makikita, wag kang mag alala kase balang araw mapapansin din yan! Tulad na lng ng post ko nuon na “bakit masama kumain ng polvoron pagkatapos ng paspasang basketball” naniniwala ako na may gagawa ng thesis tungkol dyan at gagawin source ang blog ko balang araw at napakasarap ng pakiramdam na yun. AT Wag kang maging Unique! Wag ka gumawa ng blog entry na ikaw lang ang nakakaalam! kung naiisp mung gumawa ng entry tungkol sa pagtatalik ng Ipis wag mu ng subukan! (nagawa ko na yun) at maniwala ka di maganda ang resulta. Sumabay ka sa uso, sumabay ka sa trending! at maghanap ka ng magtetrending! At magulat ka na lng sa mga susunod na pangyayari.
  •     Sumulat ka para sayo, sumulat ka para sa kanila – paano? Di ko alam. Pero sa tingin ko lahat naman ng nagblog gumawa nun dahil gusto nila at gustong ipamahagi ang nalalaman nila. Gumawa sila ng blog entry ayos sa gusto nila at nakuha nila ang panlasa ng mambabasa pero syempre habang tumatagal may nagbabago. Kailangan magsulat ng entry na magugustuhan nila, kailangan ng bago ng di sila magsawa. Pero kung may aalis naman, madalas may kapalit. Kaya ayos lang.

At ang panghuli, iwasan mung magbasa sa mga blog na may post about sa kung paano ba gumawa ng magandang blog. Karamihan sa kanila hindi naman nakabasa ng tips sa ibang blog. May Originality sila! At dahil siguro successful ang naging outcome nila gumawa na sila ng post kung pano gumawa ng isang magandang blog ayun mismo sa experience nila. Yung iba naman trip lang nila magpost ng tips tungkol sa blog kahit di nila alam ang mga pinagsasabe nila at wala silang alam tungkol dun ( tulad ko ).
 
Top