Written By Anonymous on Wednesday, May 2, 2012 | 4:18:00 PM
Kung babalikan natin ang mga Kasaysayan siguro alam niyo na ang kahulugan ng mga salitang yan at kung sino ang mga biktima nito noon. Ang dalawang salitang abusong ginagamit sa panahong ito at madalas idinadahilan ng mga taong masyadong kinakawa ang mga sarili nila.

Kailan lang nangyari sa Kagululuah sa Parañaque City kuung saan Pinaglaban ng mga ngpoprotesta ang lupang di nila pagaari. Kinasawi ito ng isa na nabaril ng di pa nakikilalang salarin. Pero Hindi yun ang nagpakulo ng dugo ko kundi ang mga sinabe ng mga nagprostesta sa interview pagkatapos ng insidenteng yon. 


"Imbis na magproktekta sa mga mamayanan ang ang kanilang bakal na pananga ginagamit pa nila ito upang mangabuso ng mga walang kalaban laban na mga tao"

Walang kalaban laban na tao? Sinasabe ba nya eh yung mga taong bumabato ng bato at dumi ng tao sa mga pulis?  at kung may nahampas man ng pananga nun mga panahon na yun eh dahil sa pinaglalaban na nila ung kaligtasan nila. Human Instinct na dapat pairalin nung mga oras na yun dahil sa kahit anung paraan na pagganti ng pulis sa mga nagpoprotesta eh aakusahan sila na lumalabag sa karapatang pantao kaya ang magagawa lang nila eh ang protektahan ang sarili nila hangang sa magsasawa ang nga tao sa pagbato ng bote,dumi at bato sa kanila. Alam na naman ng mga taong nakatira dun ang ending nila dahil sa hindi naman nila pagaari yan. Para kasing pinaglalaban mu hangang kamatayan ang bagay na hindi pala sayo.At kung sasabihin nilang hindi, kalokohan na yun.


Isa pang issue ngayun ang pagsali ng mga trans-gender sa  Miss Universe. Di kase pinayagan nung una ang pagsali ng isang trans-gender pero pagkatapos ng maraming paguusap at drama pinayagan din ito. Sabe naman ng isang Gay-lesbian group dito sa Pilipinas eh isang diskriminasyon to sa parte nila. Diba parang sumusobra na ito? Dahil sa tingin ko eh ang Miss Universe ay isang pribiliheyo ng pagiging babae. at kung papayagan man siguro ang mga babae na sumali sa Miss Gay eh sasabihin din nilang Diskriminasyon to. May para sa babae, may para sa lalake at may para sa mga trans gender di pwede lahat ng hindi natin nakukuha ay isisisi natin sa kasarian, itsura o estado sa buhay. Hindi pwede lahat ng bagay eh Diskriminasyon. May Ano para sa Ano. Hindi nagtatanung ang isang Matabang tao kung dahil ba sa timbang nya kaya hindi sya tinanggap sa trabaho, o Hindi nagtatanung ang babae kung pangit ba sya kaya di sya kinuhang sekretarya. Dahil hindi nila ginagawang kawawa ang tingin nila sa sarili nila pero oras na sa iba to mangyare Diskriminasyon ang isisigaw nito. Lage nilang sinasabe na kung kailan daw matatagangap ng lipunan ang mga trans-gender. Ewan ko ba pero sa pagkakaalam mo tangap na ng lipunan ng buo buo ang trans-gender bago pa man ako pinanganak pero may iilan parin awang awang sa sarili nila. HINDI LAHAT, IILAN.



Nung natapos ang panahon ng Pangaalipin ibang uri naman ng diskriminasyon ang nagyari nuon tulad na lng  sa ibang bansa, may Bus na hindi nagpapasakay ng mga itim o "colored", O minsan eh pinapasakay pero bawal sila umupo, Hindi rin sila pinapapasok sa mga ibang gusali, Bar at kung anu anu pa. a Yun ang Diskriminasyon. Na laking pasasalamat natin ay malamang sa malamang tapos na. Inaabuso na lng natin ang mga salitang ito sa panahon ito. Kung alam lang nila ang tunay na ibig sabihin ng Human Rights at Discrimination eh malalaman nila na wala pa sa kalingkingan ang mga sinasabe nila sa mga naransan ng mga biktima ng mga salitang yun nuon.
 
Top